- Sandra Maria Magdalena 歌詞
- Sandra
- Magdalena anong problema
Bakit di ka makawala sa kadena? At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda Na hanap buhay mo ngayon Magdalena anong problema Alam naman natin na dati kang nena At sa iyong ama ikaw ay prinsesa Anong nangyari sayo? Itoy kwento ng isang babaeng Tulog sa umaga, gising sa gabi Ang kanyang mukhay puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi Simulan na natin ang istorya Akoy kanyang matalik na kaibigan Ernesto ang aking pangalan Kwentong dapat nyong malaman Wag nang magbulag bulagan Bakit ang nais natin ay malaman ang baho ng iba? Pagbibigyan kita Kilala mo ba si Magda? Na aking kababata mula pa ng pagkabata Kami lagi magkasama mga bangkang papel sa sapa Kanyang ngiti lumiliwanag ang paligid At pag siyay dumadaan mga leeg ay pumipilipit Ubod ng ganda noong siya ay nagdalaga Tuwing kausap ko na malimit akong tulala Kahit may nararamdaman pinilit kong isara Ang bibig at pintig ng puso para sa kanya At sa sayawan matapos kaming makapagtapos Dahil pinawis ang mukha akoy nagpunas ng pulbos Kahit parang hindi pantay ay nagmamadaling hinila Pinakilala niya lalaki na taga Maynila Magdalena anong problema Bakit di ka makawala sa kadena? At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda Na hanap buhay mo ngayon Magdalena anong problema Alam naman natin na dati kang nena At sa iyong ama ikaw ay prinsesa Anong nangyari sayo? Maraming taon akoy nalipasan Pinilti ko mang takasan Bagkus ay aking nalaman Ang tunay kong kailangan Di ko maibaling ang pagtingin ko sa iba Minamahal ko sya Hahanapin ko si Magda Lumuwas habang nagdarasal na maabutan Sa lugar na ang sabiy kanyang pinagtatrabahuhan Nakita kong larawan niya na nakadikit sa pintuan Iba man ang kulay ng buhok di ko malilimutan Ang kanyang mata at tamis ng kanyang ngiti At dahil ubod ng saya hindi na nag atubili Agad pumasok sa silid pero bakit ang dilim Madaming lamesat mga nag-iinumang lasing Nang biglang nagpalakpakan may mabagal na kanta Sa maliit na entablado ay nakita ko na Ako ay nagtaka, nagtanung, nagkamot Bakit sya sumasayaw na sapatos lang ang suot? Itoy kwento ng isang babaeng Tulog sa umaga, gising sa gabi Ang kanyang mukhay puno ng kolorete Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi Ituloy natin ang istorya Agad siyang sumama sakin walang kakabakaba Ang trato niya sakin ay nobyo tila katakataka Bumaba sa taxi-ng pinara sa Sta. Mesa Parang akoy bida sa mga sumunod na eksena Kung ito ay panaginip ayoko nang magising Ngunit akoy nanaginip umaga na nang magising Ang naabutan ko lamang ay may sobre sa lapag Liham para sakin na isinulat niya magdamag Kahit gulong gulo ang isip pinilit kong basahin Di malilimutan ang mga sinabi niya sa akin Mahal kong Ernesto alam kong tulog moy malalim Di na ko nagpaalam di na kita ginising Salamat nga pala sa pasalubong mong kalamay At sa pinakamasayang gabi ng aking buhay Nung iniwan ko ang baryo natin ang akala ko Isang tunay na pag-ibig ang matatagpuan ko Hinanap kung saan-saan at kung kani-kanino Di ko inakalang ito ang kahahantungan ko Imbis na akoy sagipin itinulak sa bangin Ito palang ibig sabihin ng kapit sa patalim Kung mabaho sabunin, kung makati gamutin Kung hindi na masikmura ay ibaling ang tingin Kahit ako ay bayaran at kaladkaring babaeng Alam ang amoy ng laway ng ibat-ibang lalake Isa lang ang kaya kong sayoy maipagmalaki Ikaw lang ang bukod tanging hinalikan ko sa labi Gusto ko mang manatili sayong mga yakap Ako may natutuwa dahil akoy iyong nahanap Wala na yatang walis ang makakalinis ng kalat At ang katulad ko sayo ay di karapat-dapat Pinangarap kong sa altar akoy iyong ihatid Ngunit sa dami ng pait ang puso koy namanhid Di ko makakalimutan ang pabaon mong halik Pero pakiusap huwag ka na sana pang babalik Regalo ng Maykapal ang ikaw ay makilala Salamat sa ala- ala, nagmamahal Magda Magdalena anong problema Bakit di ka makawala sa kadena? At sa gabi gabi ikaw ay nasa selda Na hanap buhay mo ngayon Magdalena anong problema Alam naman natin na dati kang nena At sa iyong ama ikaw ay prinsesa Anong nangyari sayo? Itoy kwento ng isang babae
|
|